Monday, May 28, 2012

[Blog] Which shoes fit?

I was browsing through my inbox and found this email from my former boss. hope you'll like it :)

-----------------------------------


1. The overused shoes

When I went to Davao for Christmas vacation in 2001, I found what Ithink was the best shoes I've ever had. It was a blue and white slip-onswith a flower on its strap. Margay ang tatak niya. Ang tagal ko nanaghanap ng blue na kikay slip-ons at doon ko lang sa Gaisano Davaonahanap iyun. And I bought the shoes for 500 lang! Feeling ko pa,suwerte ako dahil last pair na iyun. And it was my size!

Sobrang natuwa ako sa kikay kong sapatos. At napakalambot niya! I worethe shoes everyday because they would match anything... denim, slacks,capri pants, skirt, dress. Gamit ko siya in the office, at the mall, inchurch, even at the beach!

Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na siya sa kung saan, itwas expected na wala pang isang taon ay sira na siya. Sabi ko, okaylang. May Margay naman sa Robinsons saka sa Landmark, siguro naman mayganoong style pa sila. Ngunit napuntahan ko na lahat ng display ngMargay pero wala akong nakitang katulad nang nabili ko sa Davao.Nakadalawang uwi na ako sa Davao at pumupunta ako sa Gaisano, umaasangmay makikita akong ganoon klaseng sapatos. Hindi na nga ako naghahangadng eksaktong ganoon eh. Kahit na kamukha lang o kasing-lambot lang, okayna. Kaso wala.


Iyong kikay blue Margay na slip-ons ko -- na malambot at may naka-angatna bulaklak sa strap, na bagay sa kahit anong damit ko -- ay sira nangayon. Hindi lang siya sira, nangingitim na sa dumi, at hindi na kayangi-glue ang punit na talampakan. Pero hindi ko pa siya maitapon-tapon.Hindi ko alam kung bakit. Alam ko hindi ko na siya maisusuot uli, peromay reminder naman ako na once upon a time, I had a perfect pair ofshoes. Hindi ko nga lang inalagaan.


Lesson learned:


Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo ay perfect na parasa iyo, ingatan at alagaan mo. Huwag mong abusuhin. Kapag nawala sila,baka wala ka nang mahahanap na kapalit. At habambuhay mo na lang iisipinna "sana, inalaagaan ko siya."


2. The "maganda siya pero masakit" shoes


May fini-fit ako noon na sapatos sa Celine. Okay lang ang presyo.Maganda ang material. Kikay ang hitsura. At kapag suot ko, nakaka-sexyng paa. May isang problema nga lang... masakit sa paa.


Pero cutie kasi siya eh. Saka on sale. At sadyang matigas ang ulo ko.Kaya ayun, binili ko.


Sa umpisa, okay lang naman. Keri ko. Saka masakit naman talaga sa paaang bagong sapatos. Pero habang lumilipas ang oras, lalong sumasakit.Hindi siya meant sa pangmatagalang suot. Habang suot ko siya, paranggusto kong umiyak sa tuwing humahakbang ako. Pagdating ko ng bahay, purosugat at galos ang paa ko. At ilang linggo din akong may peklat sa paadahil sa diyaskeng sapatos na iyun.


Kapag sa umpisa pa lang, alam mo na masakit na sa paa at hindi mopuwedeng suotin ng matagalan, huwag mo nang bilhin. Bakit mo pa itutuloykung alam mong masasaktan ka lamang kapag sinuot mo?


Parang pakikipag-relasyon din iyan eh. May mga lalake na good on paper,bagay sa iyo, tipo mo nga eh. Ang kaso, panandalian lang siya. "Boylet"lang kasi unavailable siya. Bakit mo pa itutuloy kong alam mongeventually ay masasaktan ka lang? Sana, habang maaga pa, iwasan mo na.


Lesson learned:


Kung sa umpisa pa lang, alam mo na masasaktan ka lamang sa bandang huli,huwag mo nang ituloy. Baka mag-iwan pa iyan ng scar na hindi mo namaaaalis kailan man.


3. The shoes that got away


May nakita akong magandang sandals sa Landmark. Mura lang, less than 500lang siguro. Kakaiba din siya kasi hindi siya iyong style na makikita mosa babaeng katabi mo sa MRT. Black and white siya. Polka dots ang strapniya pero hindi cheap ang dating. Ang kikay nga eh. tapos, two inchesiyong heels niya. Sinukat ko minsan, ang ganda sa paa!


Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya eh. Mahirap hanapanng ka-match na damit at bag. Saka kakabili ko lang kasi ng isang sandalskaya sabi ko, next pay day ko na lang bibilhin ang polka dots na sapatosna yun.


Madalas akong dumaan sa Landmark at nakikita ko ang sapatos na gusto kobilhin pero hindi ko mabili-bili. Ilang pay day na ang dumaan pero hindiko pa rin siya kinukuha para iuwi. Hanggang sa dumating ang oras nakailangan ko ng isang kikay na sandals na may print. Naisip ko agad angpolka-dots na matagal ko na gusto bilihin. Pero pag-punta ko saLandmark, wala na siya doon. Naubos na. Ang ending, napabili ako ngibang printed na sapatos na hindi ko naman talaga gusto pero wala akongchoice kasi kailangan ko na nga.


Lesson learned:


Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize the day! Sakaka-delay, baka mawala lang sa atin ito at mauuwi tayong nagse-settlesa hindi naman talaga natin gusto. Mas mahirap pagsisihan ang mga bagayna hindi mo ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa thought naabot-kamay mo na lang, pero pinalampas mo pa.


Sino ba naman mag-aakalang may mapupulot pala akong leksyon sa mgasapatos? Kaya nga panay bili ko eh, para mas marami pa akong matutunan.Sa susunod, I will find lessons from bags naman para ma-justify din kungbakit sandamakmak ang bags ko.


- anonymous -

No comments: