Wednesday, February 27, 2013

[Poem] Taglay kong ningning

Isang talang maningning
Tanglaw sa gabing madilim
Bawat hakbang sa ami'y gabay
Hanggang dulo ng aming paglalakbay.

Taon man ang bumilang
Sa pagsunod sa talang makinang
Lakas man ay magupo
Walang katumbas pagsilay sa tanging Sugo.

Makasariling hari man ang sumikil
Tigib man ang kanyang pagpigil
Walang sinumang makahahadlang
Pagkilala sa may dala ng walang hanggan.

Dumating na ang takdang panahon
Mga mata'y sa sabsaban ay itinuon
Sugo ng Ama ay narito na
Dumating para sa ating kaligtasan!

Milya man ating layo sa Kanya
Dulot ng ating mga nagawang kasalanan
Pag-ibig Nya pa rin ang tanging dahilan
Na ang Tagapagligtas ay siya nga ay isinilang.

Panginoon O kay buti Mo
Walang katulad ang busilak Mong puso
Wagas man Ikaw ay aming nasaktan
Wala pa ring patid ang Iyong pagmamahal.

O Hesus salamat sa Iyong pagdatal
At kaligtasan Iyo sa ami'y dala-dala
Mabuting balita kay tagal mang inabangan
Kung hatid man ay buhay na walang hanggan.

Bawat araw sambit ay pasasalamat
Dahil buo na ang pusong may lamat
Iniwang pilat ng sugatan kong katauhan
Tila naglaho sa pagdating Mong itinuran.

Mula ngayon hanggang habang buhay
Ikaw lamang ang liwanag kong taglay
Hindi na muli lalamlam aking butuin
Dahil aking buhay bitbit Iyong ningning.

-mmp 24dec2012 11:37pm

No comments: