Monday, September 24, 2012

[Poem] Ikaw lamang, AMA

Bawat pagsilay ng haring araw
Bawat paggising sa bagong umaga
Bawat ihip ng hangin sa aking mukha
Wangis Mo lamang ang nais matanaw.

Bawat tagumpay na aking tinatamasa
Bawat kaligayang aking nadarama
Kahit pa kirot ng isang pusong nasawi
Sa Iyo ko lamang nais ibahagi.

Bawat pangarap na inaasam
Bawat bukas na aking tinatanaw
Bawat katuparan ng aking ipinagdarasal
Ikaw lamang ang gantimpalang aking hinahangad.

Bawat pintig ng pusong sabik
Bawat ngiting hatid ng payapang dibdib
Ikaw lamang aking Ama
Ang tanging aking pupurihin.

- mmp 4sept2012 12:56am

No comments: